Wednesday, August 10, 2011

Ang Nakaraan ...


Kapag nagmahal tayo, binubuhos natin ang lahat. Mas gusto mo lang na damahin ang lahat ng masasayang sandali kasama ang mahal mo kaysa mabahala na mawala siya. Sa bawat relasyon na ating napapasukan, alam natin kung ano ang ating limitasyon. Alam mo kung hanggang saan lahat kahit alam mo na panandalian lang 'yun. Dapat handa ka. Kung hindi siya, eh di hindi siya. Masaya ka kahit alam mong pampalipas oras ka lang. Mahal ka lang niya kapag kasama ka. Masakit dahil minahal mo siya ng lubos, binuhos mo lahat ng kaya mo para mapasaya lang siya at mapaganda ang inyong relasyon. Dumating sa buhay natin na kamuhian ang isang taong nanloko sa atin, 'yung pakiramdam mo lang ay ginamit ka. Gusto mo siyang ibaon sa limot. Kalimutan ang lahat ng pinagsamahan. 




Wala kang magagawa kundi ang tanggapin na lang 'yun. Ang hirap. Ang sakit. Bakit ba ganoon na lang kadali sa kanila na saktan tayo at iwan? Bakit ba nila tayo ginagamit lang? Hindi ba nila naisip na tayo ay may damdamin din. Damdamin na sobrang nasasaktan. Pagkatao na tinatapak-tapakan. Buhay na patuloy na sinisira. Binigay mo na ang buhay mo pero para ka lang basura na tinapon. Tinapon dahil hindi na kailangan. Sana ganoon din kadaling itapon ang lahat ng ala-ala na magkasama. Kahit na lumipas ang panahon, hindi mo maiwasan na maalala ang madilim na kahapon. Kahapon na ayaw mo nang balikan. Kahapon na sumira sa'yong pagkatao. Ngunit sa bawat kahapon, may mga masasayang sandali na dahilan upang huminto ka sa paglalakbay at lilingon sa kahapon. Masasayang sandali na pilit dumudurog sa'yong puso.

Hindi mo man kayang kalimutan ang taong minahal mo, huwag mo namang itali ang sarili mo sa kahapon. Huwag mong sirain ang buhay mo dahil lang sa nakaraan kundi maging matatag para dito. Ang pagpapatawad at pagtanggap sa katotohanan ang daan upang magawa mong palayain ang sarili mo sa nakaraan. Ang nakaraan ay nakaraan .. doon na lang 'yun. Huwag panghinaan ng loob dahil magagawa mo ring harapin ang naghihintay na bukas para sa'yo.

Friday, July 29, 2011

Ang Laban ng Pag-ibig

Sa bawat ngiti niya, parang handa na akong masaktan ulit. Sa bawat salitang binibigkas niya, tila kaya ko na. Sa tuwing kasama ko siya, magiging masaya pa pala ako.


Disclaimer: I DO NOT OWN THE PICTURES AND SONGS.





















Friday, November 12, 2010

An Eye Opener

Sawa ka na ba sa buhay mo? Naisip mo ba ang mga pasyente sa hospital, at nag-aasam na gagaling pa mula sa kanilang sakit.
Sawa ka na ba sa ulam mo na lagi na lang isda o itlog? Naisip mo ba ang mga taong walang makain.
Sawa ka na ba sa trabaho mo? Naisip mo ba ang mga taong namamalimos para magkapera lang.
Pagod ka na bang mag-aral? Naisip mo ba ang mga batang gustong makapag-aral pero walang pampaaral.
Naisip mo ba na napakamasarili natin. Hindi natin naiisip kung ano ang pinagdadaanan nang ibang tao. Sa isang pagkakamali lang, sa isang kabiguan, sa isang pagkatalo, napapagod na tayo halos gusto mo nang bumigay sa pagsubok ng buhay. Ngunit may mga tao na sadyang malakas ang kalooban, pinipilit na bumangon sa kabila ng kabiguan. Masarap mabuhay, nang may ngiti sa ating mga labi. Sa kabila ng problema, hindi nawawalan ng pag-asa. Gusto mo nang 'wag mabuhay pero naisip mo bang may mga taong naghahangad pa nang isang pagkakataon para mabuhay sa kabila ng kanilang kalagayan.




“There is tremendous happiness in making others happy, despite our own situations.” - Unknown

Friday, November 5, 2010

Father's Love Letter

When the first time that I heard this video on youtube. I was inspired. This will enlighten you from despair. And you may understand, who he is. When we feel broken and there's no hope in our soul, do we feel him. Does God has a great plan for us? Does God loves us? If he is exist? Why we don't trust him, ask him, to know that God exists. God loves us. He let his Son die in the cross for us, and he is willing to do it again in a heartbeat. Praise God, and thank God for everything. He is amazing. So here we go .. I will share this to you and for sure, you may change your life.

My Child,

You may not know me,
but I know everything about you.
Psalm 139:1

I know when you sit down and when you rise up.
Psalm 139:2

I am familiar with all your ways.
Psalm 139:3

Even the very hairs on your head are numbered.
Matthew 10:29-31

For you were made in my image.
Genesis 1:27

In me you live and move and have your being.
Acts 17:28

For you are my offspring.
Acts 17:28

I knew you even before you were conceived.
Jeremiah 1:4-5

I chose you when I planned creation.
Ephesians 1:11-12

You were not a mistake,
for all your days are written in my book.
Psalm 139:15-16

I determined the exact time of your birth
and where you would live.
Acts 17:26

You are fearfully and wonderfully made.
Psalm 139:14

I knit you together in your mother's womb.
Psalm 139:13

And brought you forth on the day you were born.
Psalm 71:6

I have been misrepresented
by those who don't know me.
John 8:41-44

I am not distant and angry,
but am the complete expression of love.
1 John 4:16

And it is my desire to lavish my love on you.
1 John 3:1

Simply because you are my child
and I am your Father.
1 John 3:1

I offer you more than your earthly father ever could.
Matthew 7:11

For I am the perfect father.
Matthew 5:48

Every good gift that you receive comes from my hand.
James 1:17

For I am your provider and I meet all your needs.
Matthew 6:31-33

My plan for your future has always been filled with hope.
Jeremiah 29:11

Because I love you with an everlasting love.
Jeremiah 31:3

My thoughts toward you are countless
as the sand on the seashore.
Psalms 139:17-18

And I rejoice over you with singing.
Zephaniah 3:17

I will never stop doing good to you.
Jeremiah 32:40

For you are my treasured possession.
Exodus 19:5

I desire to establish you
with all my heart and all my soul.
Jeremiah 32:41

And I want to show you great and marvelous things.
Jeremiah 33:3

If you seek me with all your heart,
you will find me.
Deuteronomy 4:29

Delight in me and I will give you
the desires of your heart.
Psalm 37:4

For it is I who gave you those desires.
Philippians 2:13

I am able to do more for you
than you could possibly imagine.
Ephesians 3:20

For I am your greatest encourager.
2 Thessalonians 2:16-17

I am also the Father who comforts you
in all your troubles.
2 Corinthians 1:3-4

When you are brokenhearted,
I am close to you.
Psalm 34:18

As a shepherd carries a lamb,
I have carried you close to my heart.
Isaiah 40:11

One day I will wipe away
every tear from your eyes.
Revelation 21:3-4

And I'll take away all the pain
you have suffered on this earth.
Revelation 21:3-4

I am your Father, and I love you
even as I love my son, Jesus.
John 17:23

For in Jesus, my love for you is revealed.
John 17:26

He is the exact representation of my being.
Hebrews 1:3

He came to demonstrate that I am for you,
not against you.
Romans 8:31

And to tell you that I am not counting your sins.
2 Corinthians 5:18-19

Jesus died so that you and I could be reconciled.
2 Corinthians 5:18-19

His death was the ultimate expression
of my love for you.
1 John 4:10

I gave up everything I loved
that I might gain your love.
Romans 8:31-32

If you receive the gift of my son Jesus,
you receive me.
1 John 2:23

And nothing will ever separate you
from my love again.
Romans 8:38-39

Come home and I'll throw the biggest party
heaven has ever seen.
Luke 15:7

I have always been Father,
and will always be Father.
Ephesians 3:14-15

My question is…
Will you be my child?
John 1:12-13

I am waiting for you.
Luke 15:11-32

Love, Your Dad
Almighty God


Father's Love Letter used by permission Father Heart Communications
© 1999-2010 www.FathersLoveLetter.com


This video was not made by me. Credit goes to Since33AD.

About the girls ...

Guys, Listen Up!

Ang babae, hindi 'yan niloloko.. minamahal 'yan. Masarap magmahal ang babae. Kapag nagmahal siya, ang laging laman ng isip niya, ikaw. Masaya siya kapag kasama ka. Hindi niya kailangan ng mamahaling regalo para lang pasayahin siya. 'Yung ikaw, sapat na. Lahat gagawin niya para sa'yo. Magpakatanga. Magpakamartir. Pero tao rin siya, marunong mapagod. 'Wag mo siyang bigyan ng dahilan para sukuan ka. Guys, 'wag puro sarili ang isipin. Isaalang-alang mo rin ang damdamin niya. 'Wag mo siyang paasahin kung alam mo rin namang hindi totoo 'yung pinapakita mo sa kaniya. Ang gusto lang ng mga babae, mahalin sila ng totoo at pahalagahan. Tao sila at hindi bagay para lang gamitin. May mga babae, na kahit nakikita nila 'yung taong mahal nila na nagmamahal ng iba. Minamahal pa rin nila ito. Kahit masakit, umaasa pa rin sila na mababalik ang lahat, kahit alam nilang hindi na.

Para sa mga babaeng niloko at nagpapakatanga.