Ano ba ang pagkakakilala mo sa mga lalaki? Minsan ka na bang naloko, at sa minsang 'yun, nawala na ba tiwala mo sa kanila? Akala mo hindi sila marunong magseryoso at makuntento sa isa. Akala mo, hindi sila marunong masaktan, na wala silang pakealam sa nararamdaman mo. Masarap ang pakiramdam kapag umiyak ang lalaki dahil sa'yo, doon mo malalaman na sincere siya. Bihira lang sa kanila ang nagpapakita ng kahinaan sa isang tao. Kapag mahal ka niya, hindi mo kailangan gumawa ng paraan para mapansin ka niya, dahil kung interesado talaga siya sa'yo, gagawa siya ng paraan para makasama ka o makausap man lang. Pero kapag ang lalaki, ang umayaw sa isang relasyon, wala kang magagawa para manatili siya, kaibahan sa mga babae. Kapag ang babae ang nakipagbreak, maaring madadaan mo siya sa ligaw. Hindi naman lahat ng lalaki, manloloko. May iba rin naman na marespeto. Try mo magpahard-to-get, dahil 'yun ang mahirap iwanan. 'Wag basta-basta magpapadala sa lambing o sa ganda ng salita. Mas nagiging interesado sila kapag nacha-challenge. Let see the side of the boys ..
No comments:
Post a Comment