Sawa ka na ba sa buhay mo? Naisip mo ba ang mga pasyente sa hospital, at nag-aasam na gagaling pa mula sa kanilang sakit.
Sawa ka na ba sa ulam mo na lagi na lang isda o itlog? Naisip mo ba ang mga taong walang makain.
Sawa ka na ba sa trabaho mo? Naisip mo ba ang mga taong namamalimos para magkapera lang.
Pagod ka na bang mag-aral? Naisip mo ba ang mga batang gustong makapag-aral pero walang pampaaral.
Naisip mo ba na napakamasarili natin. Hindi natin naiisip kung ano ang pinagdadaanan nang ibang tao. Sa isang pagkakamali lang, sa isang kabiguan, sa isang pagkatalo, napapagod na tayo halos gusto mo nang bumigay sa pagsubok ng buhay. Ngunit may mga tao na sadyang malakas ang kalooban, pinipilit na bumangon sa kabila ng kabiguan. Masarap mabuhay, nang may ngiti sa ating mga labi. Sa kabila ng problema, hindi nawawalan ng pag-asa. Gusto mo nang 'wag mabuhay pero naisip mo bang may mga taong naghahangad pa nang isang pagkakataon para mabuhay sa kabila ng kanilang kalagayan.
“There is tremendous happiness in making others happy, despite our own situations.” - Unknown
No comments:
Post a Comment