Friday, October 29, 2010

Ang Manunulat ..

Ako si Maria Christina V. Bristol sa tunay na pangalan. Nakatira sa Lungsod ng Quezon.
Graduate ako nang Diploma in Information Technology sa STI Q.Avenue. Akala nang iba, Mass Comm ang kinuha ko, pero sa totoo lang, wala akong hilig magsulat ng mga tula o nobela. Siguro, naimpluwensiyahan ako ng makabagong teknolohiya sa bagong paraan ng pagsusulat.

Marami ang nagtatanong kung sino o ano ang inspirasyon ko. Kung naranasan ko na ba lahat nang 'toh. Sabi ko, hindi. Pero, oo, 'yung iba naranasan ko na. Nababasa ko, naririnig,'yung iba mula sa iba't-ibang sources at 'yung iba, sariling idea. Nagmahal na 'ko at tulad din nang iba, laging nabibigo. I'm open-minded person, pero sensitive. Ako 'yung tipo nang tao na hindi nagsha-share nang nararamdaman, kahit na sobra na 'kong nasasaktan. Hindi naman ako takot magmahal, i love challenges pagdating sa relasyon. Minsan nang naging tanga, manhid pero ganun talaga 'pag nagmamahal ka, ginagawa mo lahat ng katangahan para lang sa taong 'yun.

May mga bagay rin na masasabi kong pinagsisisihan ko, na hindi dapat nangyari. Pero Past is past, ika nga nila. Marami naman akong natutunan, and at the same time, mas naging matured ako. Kung minsan, nasasabihan ako, "ang seryoso mo naman", pero tulad din naman ako nang iba, happy go lucky girl.

May nagtanong sa 'kin, "Nagmahal ka na ba nang hindi dapat mahalin?", oo, 'yun yung tinatawag na Pseudo relationship, or forbidden. In comes in Fate , yeah, i do believe in soulmates or 'yung tinatawag nating destiny .. pero it's depends pa rin. "Fate brings you together but it still up to you to make it happen." Right?

Nakakatuwa at kinakabahan ako kapag may mga taong humihingi ng advise. Na para bang hawak ko love life nila. Minsan, may humingi ng advise sa 'kin, whoa! nosebleed .. heheheh, pero carry lang.. Eto ay isang libangan lang na para bang naging responsibilidad ko na sa ibang tao. Nakakapagtaka kung ano bang mayroon sa mga gawa ko kung bakit sila nagpapasalamt sa akin na ako naman dapat ang magpasalamat dahil sa kanilang pagtanggap. 'Yun lang 'yung gusto ko yung maappreciate naman ako.

Maraming salamat sa mga sumusubaybay na aking mga gawa, saan man panig ng mundo.

Follow your heart... love ... live ... and be inspired.

No comments:

Post a Comment